PNP Jose Panganiban, Camarines Norte, Matagumpay na Naaresto ang Babaeng Suspek sa Kaso ng Pagnanakaw

Jose Panganiban, Camarines Norte — Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Jose Panganiban PNP ang isang babaeng suspek na sangkot sa kasong pagnanakaw sa Barangay Sta. Elena, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas ” May”, 41 taong gulang, residente Barangay Sta. Elena. Siya ay naaresto nitong Mayo 19, 2025 sa kanyang tahanan sa parehong barangay. Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ng Municipal Trial Court ng Jose Panganiban sa ilalim ng Criminal Case No. 7965. Ang warrant ay may petsang Disyembre 3, 2024 at pirmado ni Hon. Judge Dara SJ Mallorca-Tormes. Itinakda rin ng korte ang piyansa sa halagang ₱36,000.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Jose Panganiban ang suspek at nakatakdang humarap sa korte upang sagutin ang kasong isinampa laban sa kanya alinsunod sa umiiral na batas.

source: Camarines Norte Police Provincial Office – Pulis Bantayog

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top