CNNHS, Angat ang galing sa katatapos na 13th Robotics International Championship sa Romania

Nakakatuwa, nakakabilib at talaga namang nakakamangha ang tagumpay na nakamit ng Camarines Norte National High School (CNNHS) sa 13th Robotics International Championship nitong nakaraang May 15-17, 2025 na ginanap sa University of Oradea, Oradea, Romania.
Kabilang sa natanggap na parangal ng koponang kinatawan ng CNNHS ang 2nd Place – Line Follower Enhanced Category at 4th Place – Humanoid Challenge Category, mahalagang mabatid rin ang kanilang espesyal na karangalan na 7th at 9th Place out of 30 teams sa Line Follower Junior at 13th Place out of 44 teams sa Line Follower Classic.


Binabati natin ang CNNHS Team na sina Joash Vincent Cabajar, Dan Luke Almoguera, Jon Vincent Fernandez, Leudomers Kaisser Manebo, Joryll Dave Talento, Ianna Roanne Tropel at kanilang coaches na sina Mr. Jade Erickson E. Sale at Mr. Jade Rommel J. Leop.

Bilang parte ng tagumpay ng nasabing koponan, pinasasalamatan din nila ang pamunuan ng Camarines Norte National High School (CNNHS), pamunuan ng Schools Division Office (SDO) ng Camarines Norte, mga guro at staffs ng CNNHS, Lokal na pamahalaan ng bayan ng Daet at Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, mga magulang ng mga kalahok na mag-aaral at Panginoong Diyos na naging mahalagang daan sa tagumpay ng Camarines Norte National High School (CNNHS).

Muli, ang mainit at masayang pagbati ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa tagumpay na ito ng CNNHS at ng mga kababayan nating CamNorteño, kayo ay tunay na inspirasyon at ipinagmamalaki ng lalawigan!

Back To Top