DICT at COMELEC inatasan ng Palasyo ng Malakantang na bumuo ng 24/7 Threat Monitoring Center

Inatasan ng Palasyo ng Malakanyang ang Department of Information and Communication Technology (DICT) at Commission on Elections na kailangang bumuo ng 24/7 threat monitoring center upang matiyak ang malinis at tapat nahalalan sa darating na Lunes, May 12, 2025.

Ito ang siyang magiging kauna-unahang 24/7 Threat Monitoring Center na may real time digital command post.

Ayon kay Palace Press Officer USEC Claire Castro, layon umano nitong tukuyin, pigilin at tapusin ang online mis-information and dis-information na ipinapakalat sa social media.

Anong monitoring team ay pangungunahan ng Cybercrime Investifation and Coordinating Center ng DICT at ng Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan sa Halalan o Task Force KKK.

Ayon pa kay Castro ang nasabing hakbang ay patunay na mabilis kumilos ang gobyerno at nagkakaisa ang pamahalaan kapag ang katotohanan ang nakataya.

Back To Top