Wala pa ring napipiling bagong Santo Papa sa unang araw ng Conclave Voting nitong Mayo 7, 2025 na kung saan umaabot ng tatlong oras ang ginawang pagsisimula ng botohan sa Sistine Chapel at inabangan ng boung mundo ang paglabas ng puting usok sa chimney ng chapel dakong alas 9 ng gabi oras ng Vatican
Matapos ang tatlong oras ay lumabas ang itim na usok na nangangahulugan na wala pang bagong napiling Santo Papa.
Ayon sa italian police ay mahigit 30,000 katao ang naghihintay sa paglabas ng bagong Santo Papa.