Pinabulaanan ng palasyo ng malakanyang na binayaran ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang hospital bills ng namayapang National Artist at Philippine Superstar Nora Aunor bagkus ay mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sumagot sa bills ng naturang aktres.
Ayon kay PCO Senior Undersecretary Ana Puod, nagbigay din ng personal na pera si Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos para sa iba pang gastusin ni Nora Aunor sa ospital subalit hindi na nito idenetalye kung magkano ang halagang kanilang binayaran at tulong na naibigay sa pamilya ni Nora Aunor.
Si Nora Aunor ay pumanaw noong Abril 17, 2025 dahil sa acute respiratory failure sa edad na 71.