Arestado sa Buy-Bust Operation: High-Value Individual sa Pilar, Sorsogon

Sorsogon — Arestado ang isang High-Value Individual (HVI) sa isinagawang Buy-Bust Operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEU/PSOU SORPPO (lead unit), PDEG-SOU5, at MDEU Pilar MPS, dakong 1:20 ng hapon ngayong araw ika-6 ng Abril 2025 sa bayan ng Pilar, Sorsogon.

Ang suspek ay 42 taong gulang, may asawa, at kabilang sa Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs bilang High-Value Individual (HVI) na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad.

Ito ay nahuli sa operasyon matapos nitong bentahan ng apat (4) na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang Shabu ang isang police poseur-buyer kapalit ng P5,000.00 buy-bust money na binubuo ng isang (1) orihinal na P500.00 at siyam (9) na piraso ng replika ng 500.00 peso bill.

May tinatayang bigat na humigit kumulang na nasa 0.8 gramo ang nakuhang hinihinalang ilegal na droga at may estimated na presyo na nagkakahalagang P5,440. 00.

Ang arestado ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Pilar MPS para sa kaukulang disposisyon.

source: Sorsogon PPO

Back To Top