Ipinahayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudea ang kanyang pagbibitiw bilang lider ng Liberal Party at tuluyan na ring aalis bilang Prime Minister hanggang may napiling hahalili sa kanya
Sa kanyang pahayag, labis umano siyang nanghihinayang sa proseso ng halalan ng kanilang bansa.
Magiging suspendido ang parliamento ng Canada ng hanggang Marso 24 hanggang mayroon ng bagong lider.
Pumayag aniya ang Governor General na magsagawa ng bagong sesyonang parliamento at ito ay isasagawa sa Marso 24.
Si Trudeau ay naging lider ng Liberal Party sa loob ng 11 taon at naging prime minister ng siyam na taon.
Nahaharap ito sa mga krisis mula sa banta ni US President elect Donald Trump na magpataw ng mataas na taripa sa mga produkto mula Canada at ang pagbatikos nito sa halalan.
source: Bombo Radyo Philippines