Hinimok ni Alliance of Concerned Teachers Private Schools Secretary General Jonathan Geronimo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpaliban ang pagpapatupad ng mas mataas na contribution sa Socia Security System o SSS.
Ayon kay Geronimo ay may kapangyarihan umano ang Pangulo na suspendihin ang contribution rate batay na rin sa Republic Act 11548.
Ayon pa kay Geronimo, lumalabas na tila mas interesado ang Marcos administration sa “padding” ng confidential funds nito kesa sa pagsiguro sa social services at kapakanan ng mga tao.
Isa sa pinangangambahan ng group ay nasa kabila ng kakapusan o kulang nasa sahod sa mga manggagawa ay mababawasan pa ito ay mapupunta sa premium payment ng naturang ahensiya.
Ayon pa dito ay patuloy ang paghihirap ng mga mamamayan mula sa inflation, mataas na utility cost at pagtaas ng premium ng PHILHEALTH