Isinusulong ngayon sa kongreso ang panukalang pagbibigay ng libreng tuition sa mga government employees na nagnanais magpursige ng kanilang pag-aaral ng masters degree lalo na ang mga public school teachers na nagnanais mapromote sa ilalim ng Deped Career Progression System.
Ang naturang House Bill 8834 ay ipinanukala ni Rep. Brian Raymund Yamsuan na kilalang the proposed Free Masters Degree Tution for Government Employees Act.
Sakop ng naturang panukala ang career at non-career workers na nagtrarabaho sa mga pampublikong ahensiya na naghihikayat na mag enroll sa state universities and colleges para kumpletuhin ang kanilang graduate studies.
Ayon kay Yamsuan malaking tulong umano ito sa mga kaguruan na nagnanais na mapromote mula sa pagiging Teachers I patungo sa Master Teacher Position.