Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DEPED) para mabigyan ng mas mataas na Service Recognition Incentive (SRI) sa mga public school teachers.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na layon ng gobyerno na taasn ang SRI ng mga public school teachers.
Balak nilang gawin ito ngayon sa P20,000 mula sa dating P18,000.
Marapat na magkaroon ng pag-aaral ang DBM at DepEd kung paano mapataas ang SRI ang mga public school teachers.
Ang SRI ay taunang financial incentives na ibinibigay sa mga empleyado ng gobyerno bilang pagkilala sa mga dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
source: Bombo Radyo Philippines