Pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program hindi praktikal ayon sa DOTr

Hindi praktikal sa ngayon ang pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program, Ito ang naging pahayag ni DOTr Secretary Vince Dizon dahil sa marami pa ring mga operators and hindi nakakapagbayad ng inutang nila sa bangko para bumili ng makabagong dyip.

Inamin din nito na maraming kinakaharap na problema ang nasabing programa na kanilang pinag-aaralang mabuti.

Ayon pa dito ilang lending institution partikular mga bangko ang itinigil ang pagpapatutang para sa nasabing modernisasyon.

Sa pagtaya ni DOTr ang bawat unit ay nagkakahalaga ng 2.5 milyon hanggang 2.8 Milyon kada unit at dahil mayroong subsidy ang gobyerno ng 15% ay aabot pa rin sa 2.5 M ang babayaran ng may-ari at kooperatiba.

Sa kabila nito ay nilinaw nito na tuloy pa rin ang programa habang patuloy nilang pinag-aaralan ang mga solusyon sa nasabing problema.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top