Inihayag ng Department of Trade and Industry na nananatili pa rin ang presyo ng mga school supplies sa ilang linggo bago ang pagsisimula ng pasukan ngayong Hunyo 16, 2025.
Sa isinagawang ocular inspection ni DTI Secretary Christina Roque wala umano siyang nakikitang pagtaas ng presyo ng mga ito sa pamilihan ng Divisoria.
Mas mababa pa ito ng P1-P10 kumpara sa mga presyo noong nakaraang taon.
Mas mababa pa ito ng P1- P10 kumpara sa mga presyo noong nakaraang taon.
Ilan sa mga nakikita nilang dahilan ay maaring bumaba ang production cost ng bawat materyales.
Kasabay din nito ay tiniyak ng kalihim na walang pagtaas din ang mga basic goods gaya ng mga palagiang binabaon ng mga mag-aaral sa paaralan.