Pagkatalaga bilang PNP Chief kay Police Major Gen. Nicolas Torre III pinagtawanan ng Bise Presidente

Tinawanan lang ni Vice Presidnet Sara Duterte ang pagkakatalaga kay Police Major General Nicolas Torre III bilangbagong Philippine National Police (PNP) Chief bilang kapalit ni Gen Rommel Marbil na magreretiro sa Hunyo 7.

Sa isinagawang interview sa The Hague Netherlands, kasabay ng pagdiriwang nito kasama ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sinabi ni VP Sara na Thats my Reaction at agad sinabing Next Question.

Si Torre ang kasalukuyang direktor ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay siyang namuno sa mga police team na naghatid ng arrest warrant laban kay dating PRRD kung saan kasalukuyang nakakulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague dahil sa kasong Crimes Against Humanity kaugnay ng kanyang madugong war on drugs.

Sa kabila nito kaagad naman ipinaliwanag ni Gen Marbil na si Torre ang napili bilang bagong PNP Chief dahil sa kanyang pamumuno at hindi bilang gantimpala sa kanyang papel sa pag-aresto sa dating pangulo.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top