Month: June 2025

VP Sara Duterte pinabulaanan na natakot si Senate President Escudero kaya hindi itutuloy ang impeachment laban sa kanya sa 19th Congress

Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte na natakot si Senate President Chiz Escudero kaya hindi itinutloy ngayong 19th Congress ang impeachment laban sa kanya. Ayon pa dito kilala nya ang senador na matapang kaya imposibleng matakot ito sa kanya para sa kanyang impeachment. May ilang dahilan din ang senado kung kaya hindi agad nila tatalakayin […]

Pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program hindi praktikal ayon sa DOTr

Hindi praktikal sa ngayon ang pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program, Ito ang naging pahayag ni DOTr Secretary Vince Dizon dahil sa marami pa ring mga operators and hindi nakakapagbayad ng inutang nila sa bangko para bumili ng makabagong dyip. Inamin din nito na maraming kinakaharap na problema ang nasabing programa na kanilang pinag-aaralang mabuti. […]

Courtesy Resignation ng ilang Cabinet Members tinanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Manila, Philippines – Tinanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ilang Cabinet Members na nagsumite ng kanilang courtesy resignation kabilang dito si Deped Secretary Sonny Angara, Health Secreatary Teodoro Herbosa at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Ito ang naging pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isinagawang Press Conference nitong araw ng Martes. Inisa-isa […]

Isang Miyembro ng NPA sumuko sa Revitalized Pulis sa Barangay Tanawan, Capalonga

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad na nakatalaga bilang R-PSB Team sa Barangay Tanawan Capalonga, Camarines Norte ang isang dating miyembro ng New Peoples Army (NPA) na kinilala bilang si Ka Bert na kasabi bilang LP1 KP1 ng Armando Catapia Command nitong May 30, 2025. Dakung 11:30 ng umaga ng sumuko si Ka Bert sa tulong […]

Pagkatalaga bilang PNP Chief kay Police Major Gen. Nicolas Torre III pinagtawanan ng Bise Presidente

Tinawanan lang ni Vice Presidnet Sara Duterte ang pagkakatalaga kay Police Major General Nicolas Torre III bilangbagong Philippine National Police (PNP) Chief bilang kapalit ni Gen Rommel Marbil na magreretiro sa Hunyo 7. Sa isinagawang interview sa The Hague Netherlands, kasabay ng pagdiriwang nito kasama ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sinabi ni VP Sara na […]

Presyo ng School Supplies nananatili pa rin ang presyo ilang linggo bago magpasukan

Inihayag ng Department of Trade and Industry na nananatili pa rin ang presyo ng mga school supplies sa ilang linggo bago ang pagsisimula ng pasukan ngayong Hunyo 16, 2025. Sa isinagawang ocular inspection ni DTI Secretary Christina Roque wala umano siyang nakikitang pagtaas ng presyo ng mga ito sa pamilihan ng Divisoria. Mas mababa pa […]

Pagpapatupad ng Lockdown sa Bansa pinabulaanan ng DOH

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na walang mangyayaring lockdown sa bansa bunsod sa nakakahawang sakit na mpox o monkeypox. Ito ang nilinaw ng ahensiya matapos maglabasan ang mga fake news na nagsasaad na magkakaroon ng lockdown sa June 6 lalo na sa bahagi ng Metro Manila. Ayon kay Health Spokesperson Asec Albert Domingo, hindi […]

Back To Top