Itutuloy ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang kaso laban sa Russian Vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy sa kabila ng pakiusap nito sa pamamagitan ng pagpadala ng sulat sa opisina dito.
Ayon sa sulat siya ay nakakaranas ng mental issues kaya mararapat na ito ay mapalaya.
Matatandaang naging viral ang naturang vlogger matapos lumabas sa social media ang panghaharass nito sa tatlong security guard ng isang mall.
Tinangka pa ng abogado nito na aregluhin ang mga nagrereklamong security guard.
Una ng ibinasura ng Prosecutors Office ng Taguig ang kasong theft dahil sa walang sapat na ebidensiya at ito ay ibinaba sa kasong unjust vexation.
Nagpahayag din ng pagkadismaya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga pinaggagawa ng Russian Vlogger at hinikayat ang otoridad na kasuhan ito.