Kasabay ng ika-47 kaarawan ni Vice Presidente Sara Duterte ay magtitipon tipon naman ang mga Pilipino sa The Hague, Netherland ngayong May 31 2025.
Ang naturang pagtitipon ay pangungunahan ni VP Sara na naglalayong hikayatin ang International Criminal Court (ICC) na mapalaya sa pagkakakulong ang dating pangulo. Ito ang inorganisa ng mga Filipino Community sa Europa kung saan ito ay dumayo pa ang ilang mga Pinoy galing sa ibang bahagi ng Europa para dumalo sa pagtitipon.
Kasama din sa naturang pagtitipon ang kanyang ina nitong si Elizabeth Zimmerman kung saan dinalaw nila ang dating pangulo sa piitan.
Magugunitang inaresto ang dating pangulo ng ICC noong Marso 11 dahil sa madugong kampanya nito laban sa iligal na droga.