Davao City – Iniulat ng City Health Office ng Davao City na umakyat na sa anim ang naging biktima ng nakahawang sakit na mpox (na kilala bilang monkeypox), kasama na rito ang apat na iba pang nagkaroon ng infection sa naturang lungsod.
Sa isang panayam kay Dr Sofia Corazon Zafra, CHO medical coordinator for emerging and re-emerging infectious diseases, na kasalukuyan nilang inoobserbahan ang kasalukuyang infected patient kasama na ang mga close contact nito.
Noong nakaraang buwan, dalawa ang naiulat na kaso ng mpox at isa dito ay namatay samantalang ang iba ang nakarecover na.
Pinaalalahanan din nito ang mga residente na iwasan ang magpanic buying ng face masks bagkus kailangan umanong magfocus o kaya naman iwasan ang close skin to skin contact katulad ng handshake, hugs, and kisses dahil sa patuloy na banta ng naturang sakit.
Samantala, ipinapatupad na ngayon ang mandatory facemask sa Davao Del Sur matapos maiulat ang unang kumpirmadong kaso ng mpox mula naman sa bayan ng Magsaysay. Ipinag-utos ni Davao Del Sur Governor Yvonne Cagas na panatilihing magsoot ng facemask sa mga pampublikong lugar katuad ng palengke, opisina, terminal, simbahan at mga business establishment.