Courtesy resignation ni DILG Sec Remulla, DOJ Sec Remulla at Defense Secretary Teodoro tinanggihan ng pangulo

Mananatili bilang DILG Secretary si Jonvic Remulla, DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla at Defense Secretary Gilberto Teodoro matapos tanggihan ng pangulo ang ipinasa nitong courtesy resignation bilang pagtugon sa panawagan nito.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pagharap nito sa Malakanyang Press Corps.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring update kung mapapalitan ang pamunuan ng National Security Adviser matapos magsumite ng kanyang courtesy resignation si National Security Adviser Eduardo Ano.

Tinanggap naman ng pangulo ang courtesy resignation ni CHED Chairperson Popoy De Vera dahil gusto umano ng pangulo ng bagong pagsisimula ng CHED.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top