Walang pag-aalinlangang tinuran ni Eda Mae Arceo ng Western Visayas na nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa Athletics na ibibigay nito ang cash prize na kanyang matatanggap mula sa pagkapanalo nito sa Palarong Pambansa 2025.
Ayon pa dito sulit ang kanyang naging training kaya labis ang kanyang pasalamat sa kanyang lolo sa suportang ibinigay sa kanya sa paglalaro mula sa mababang level hanggang sa makarating sa National Competition.
Matatandaan na si Eda ay naging viral matapos itong manalo sa naturang palaro na walang sapatos kundi nakapaa lamang ito habang tumatakbo.
Siya ay mula sa Carles, Iloilo at naghari sa 400 meter dash at 100 meter hurdles elementary girls.
Samantala pinapurihan naman ni Track and Field Legend Elma Muros ang pitong atleta ng Athletics na nakabasag ng record sa mga sinalihang event.
source: RMN PH
Nakakataba ng puso kapag may ganitong kaisipan ang mga kabataan, hindi iniisip ang hirap na pinagdaanan nila bagkus ay ihahandog pa sa kanilang mahal sa buhay ang pera na kanilang matatanggap. Saludo ako sa iyo ineng