Islamic Burial ni Freddie Aguilar or Abdul Fareed inilibing na

Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Ka Freddie Aguilar o Abdul Fareed sa Islam sa Manila Islamic Cemetery.

Ang libing ay pinangunahan ng pinuno ng Muntinlupa City Muslim Affairs Office, Brotherf Johnny Guiling. Ang naturang libing ay naisaayos mula sa agarang koordinasyon ni Brother Delfen Amla Omar, National President ng Balik-Islam Consulate Assembly Inc at sa patutulungan ng Manila Islamic South Cemetery Director Ashad Musa at Solemnizing Officer – Imam Termizie Jawali. Sa pamamagitan nila ay naisagawa ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maisaayos ang mahinahon at marangal na paglilibong sa yumao.

Si Freddie ay nakabalot sa puting tela (kafan) at walang kabaong ayun sa itinuro sa Islam. Siya ay inilibing matapos isagawa ang lahat ng kinakailangang Islamic Rites kabilang ang paghuhugas (ghusl), pagbabalot, at pagdarasal para sa kaluluwa ng yumao (Salat al-Janazah). Ito ang sagradong tradisyon na kung saan ipinapakita dito kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mga Islamic Cemetery at mga pasilidad para sa mga Muslim upang masiguro na ang kanilang paglalakbay sa kabilang buhay ay naaayon sa pananampalataya.

“Ipagkaloob nawa ng Allah saโ€™yo ang Jannatul Firdaus Fareed (Ka Freddie Aguilar). Inna lillahi wa inna ilayhi rajiโ€™un” ang mensahe para sa yumaong OPM Icon.

source: Muslim, Pilipino Ngayon

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top