50% mamamayan sa bansa kontra sa impeachment case laban kay VP Sara Duterte ayon sa Survey ng Pulse Asia

Hati ang saloobin ng mamamayan ng bansa sa impeachment case kay Vice President Sara Duterte matapos lumabas sa survey ng Pulse Asia na 50% na mga Pilipino ang kontra sa pagpapatalsik sa puwesto sa Pangalawang Pangulo.

Ayon kay 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez isa sa miyembro ng House Prosection Team na hindi dapat diktahan ng opinyon ng publiko ang proseso ng impeachment na itinakda ng Konstitusyon.

Ayon pa dito, hindi sapat na pagbasehan ang mga survey lalo’t nakita sa resulta ng katatapos ma midterm elections na nanalo ang mga kandidato sa pagkasenador ng mababa ang survey.

Nilinaw din nito na hindi makapagpapabago ng anumang resulta ng mga survey ang trabahong dapat gampanan ng House Prosecution team na ipresenta sa impeachment court ang mga ebidenssiya sa impeachment case laban kay VP Duterte.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top