Pagkansela ng pasaporte ni Harry Roque isa umanong Politically motivated

Itinuring na politically motivated ang inisyatiba ng Department of Justice na ikansela ang pasaporte ni dating Presidential Spokesperson Atty Harry Roque.

Ayon kay Roque na parte ng pagsisikap ng Marcos Administration ang planong pagkansela ng kaniyang pasaporte para patahimikin siya bilang bokal na kritiko ng administrasyon at kaalyado ng mga Duterte.

Ayon pa kay Roque premature pang pag-usapan ang kanselasyon ng kanyang pasaporte dahil sa kaniyang inihaing motion for reconsideration noong nakalipas na linggo na humihiling sa DOJ na ibasura ang kanyang kaso.

Sa kanyang mosyon, inihayag niyang wala ni isang ebidensiya na iprinisenta na nagpapatunay na nakagawa siya ng pag-oorganisa, pagbibigay ng suportang pinansiyal o pag-uutos sa ibang tao na gumwa ng human trafficking, gayundin wala aniyang tumestigo na nakagawa siya ng trafficking o pakikipagsabwatan at hindi din aniya siya binanggit sa affidavits ng mga biktima ng human trafficking.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top