Nakatakdang dumalo sa gaganaping 2025 Asean Summit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na gaganapin sa bansang Malaysia ngayong buwan ng Mayo 2025.
Bago nito ay itinalaga naman ng pangulo sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Boying Remulla at Agrarian Reform Sec Conrado Estrella III ba siyang caretaker ng bansa.
Bibiyahe si Pangulong Marcos at ang kanyang delegasyon ngayong hapon patungo ng Kuala Lumpur upang makadalo sa pagtitipon ng mga leader mula sa iba’t ibang bansa na kasama sa ASEAN.
Hindi naman binanggit ng Malakanyang ang eksaktong oras ng pag-alis ng Pangulo at hindi rin nito binanggit kung sinu-sinong mga opisyales ang makakasama ng Pangulong Marcos sa naturang biyahe.