Pamasahe sa Eroplano posibleng bumaba ngayong Buwan ng Hunyo

Matapos magpatupad ng Civil Aeronautics Board (CAB) ng pinakamababang fuel surcharge ay aasahan ang pagbaba ng pamasahe sa mga eroplano sa daring na buwan ng Hunyo.

Ayon pa dito kanilang ibinaba sa Level 3 ang surcharge para sa Hunyo mula s daring Level 4 ngayong buwan ng Mayo.

Dahil dit ay magbabayad ang mga pasahero ng dagdag na P83 hanggang P300 para sa domestic flights at P273 at 2032.54 para naman sa mga international flight sa ilalim ng Level 3. Ito ay mas mababa sa dating Level 4 na mula sa P117 hanggang P342 para sa domestic flights at P385.70 hanggang P2,867.82 para sa international flights.

Ang mga fuel surcharges ay dagdag na bayarin na ipinapatupad ng mga airline companies para tulungan sila na makabangon sa halaga ng fuel na kanilang binabayaran.

Hiwalay ito sa base fare o ang aktual na binabayaran ng mga pasahero.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top