Kaso ng panununog ng anak Case Close, Suspect na ina ng mga bata binawian na ng buhay

Tuluyan ng isinarado ng Korte ang kaso ng panununog ng isang ina sa kanyang tatlong anak kasama ang kaniyang sarili sa bayan ng Sta Maria Bulacan ito ay matapos pumanaw ang ina ng mga biktima nasa ginagamot naman sa hospital

Matatandaan na naganap ang naturang insidente noong May 7 na kung saan nasawi ang tatlong mga bata na edad anim, tatlo at isang taon. Kinalaunan naman ay nasawi rin ang nanay na pinaghihinalaang nanunog sa kaniyang anak matapos umano niyang sunugin din ang kanyang sarili.

Ayon kay Sta Maria Chief of Police, Police Colonel Voltaire Rivera, binawian na ng buhay ang ina ilang araw matapos ang insidente sa kabila ng pagkakadala sa kaniya sa isang pagamutan .

Bago pa man ito binawian ng buhay ay nasampahan pa rin siya ng kasong parricide.

Matapos ang pagpanaw ng ginang, opisyal ng idineklara ng pulisya blang case closed ang naturang kaso habang tuluyan na ring nailbing ang kaniyang mga anak sa bayan ng Sta Maria.

Sa naunang imbestigasyon bago ang naturang insidente ay nagkaroon umano nag pagtatalo ang ginang at ang asawa nitong isang police corporal na nakadestino sa PNP Maritime Group sa probinsiya ng Batangas.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top