Cabinet Secretary pinagbibitaw ni Pangulong Marcos upang bigyang daan ang realignment ng government services

Nagpalabas ng kautusan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangan umanong magbitiw sa puwesto ang lahat ng Cabinet Members sa ilalim ng kaniyang administrasyon upang bigyang daan ang realignment ng government services ayon na rin sa peoples expectations.

Ayon pa sa kanya, kikilatisin nyang mabuti ang lahat ng Cabinet Members at dedesisyunan niya kung ito ay mananatili o kaya naman ay tuluyan ng tatanggapin ang inihain nitong courtesy resignation.

Sa kabila nito ay sinuguro naman ng Pangulo na hindi maapektuhan ang operasyon ng mga ahensiya ng gobyerno at tuloy ang serbisyo ng mga ito sa mamamayan.

Kaugnay nito kaagad naman tinugunan ni Department of Transporation Secretary Vince Dizon ang kautusan ng Pangulo matapos nitong ipasa ang courtesy resignation sa palasyo ng Malakanyang.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top