Heat index sa Aparri, Cagayan posibleng pumalo ng 46 Degress Celcuis ngayong araw

Posibleng pumalo sa 46 degress Celcius ang Aparri, Cagayan na maituturing na pinakamataas na temperatura sa ngayon.

Aabot naman sa 44°C ang mga lugar katulad ng Laoag City, Dagupan City, Tuguegarao City, ISU Echague, Baler at TAU Camiling na posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan ng mamamayan.

Ang mga lugar gaya ng Batac, Casiguran, Iba, Munoz, Subic Bay, Sangley Point, Infanta, Masbate at Butuan City ay makakapagtala naman ng 43°C, na napakataas pa rin at dapat pag-ingatan.

Sa Sinait, Bacnotan, Clark Airport, San Ildefonso, Ambulong, Daet, Legazpi, CBSUA-Pili, Iloilo City, at Dumangas, umabot ang temperatura sa 42°C, na nangangailangan din ng pag-iingat laban sa labis na init.

Dahil sa matinding init, pinapayuhan ang lahat na manatiling hydrated, iwasan ang matagalang pananatili sa ilalim ng araw, at gawin ang kinakailangang pag-iingat upang maiwasan ang heatstroke at dehydration. 

Back To Top