Sa kabila ng pagtaas ng corona virus disease o COVID-19 sa ilang bansa sa Southeast Asia ay tiniyak naman ng Department of Health (DOH) sa publiko na huwag mabahala.
Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan sila sa Association of Southeast Nation (ASEAN) para mabigyan sila ng berepikadong impormasyon.
Ayon pa sa DOH dahil umano sa pinalakas na kahandaan ng mga Pilipino ay walang dapat ikabahala ang publiko lalo na at marami sa mga ang meron ng Covid 10 Vaccine.
Magugunitang nagtala ang Hong Kong at Singapore ng pagtaas ng nasabing mga kaso.