Calaguas Island, Vinzons – Matagumpay na naisagawa ang Isla Bayanihan, Mission of Care and Compassion Medical Mission Community Outreach Program Of JCI SENATE DAET/ JCI DAET BULAWAN with Collaboration of BICOL CAMARINES NORTE BINTAO REGION 1.
Meron itong mga programa tulad ng Health and Wellness ,Free Dental Care/Extraction ,Distribution of Hygiene Kit, First Aid Kit sa Calaguas Group of Islands
Nabigyan ang mahigit nasa 400 na mga residente ng maayos serbisyo lalo na ang mga bata at senior citizen sa tatlong Brgy. Pinagtigasan, Mangcawayan, at Banocboc at ginanap ito ng halos 2 araw nitong MAY 17,18, 2025.
Isa ang Calaguas Island na hirap puntahan ng mga organization o ng mga magbibigay ng tulong dahil napakalayo nito at hiwahiwalay ang mga barangay, kelangan pang sumakay ng bangka upang matawid ang mga nabanggit na barangay.
Lubos ang pasasalamat ng mga natulungan at mga opisyal ng barangay sa malaking tulong na ito lalo na ang mga libreng gamot konsulta libreng bunot dahil hindi na sila tatawid pa o pupunta sa mga clinic o sa mga provincial hospital.
Ito rin ang ika-apat na taon ng JCI Senate Daet/ JCI Daet Bulawan sa mga ganitong aktibidad at isa ito ang kauna unahan nakipag kolaborasyon ang nasabing Organization sa Fraternal Eagles Club Philippine Eagles, Camarines Norte.
Napagtagumpayan ang nasabing Isla Bayanihan Sa pangunguna ni JCl Senate/ JCl Daet Bulawan, Project Chairman and Former President, Joan Mendones, Bantayog Governor, Kuya Buboy Zaleta, Kuya Governor ng Bintao Region 1 na si Romel Pajarin, Former Kuya Vice Governor at Mandaragit Eagles Club President, Franco Echano, kasama rin ang iba pang Eagles Club tulad ng Bigkis Lahi, Sanlahi, Lamdans, Bantayog, Mandaragit.