Naging matagumpay ang ikinasang buybust operation ng kapulisan ng Paracale MPS katuwang ang mga operatiba ng PDEU, PIU AT 2nd PMFC ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV bandang alas 9:00 ng gabi nitong Mayo 16, 2025 sa Purok Masagana, Barangay Palanas, Paracale, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si “ NOY “, 33 taong gulang, at residente ng nabanggit na barangay. Inaresto ang nasabing personahe matapos na makabili sa kanya ang umaktong poseur buyer ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item). Nakuha naman sa kanyang pag-iingat ang hindi pa natutukoy na timbang at halaga ng iligal na droga.
Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng nahalal na opisyales ng barangay at kinatawan ng media.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Paracale MPS ang nabanggit na personahe para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda naman ang kaso para sa Paglabag sa RA 9165 laban sa kanya.
Source: Camarines Norte Police Provincial Office – Pulis Bantayog