Kasong Vote Buying ibinasura ng Aklan Provincial Prosecutor Office dahil sa kakulangan ng ebidensiya

KALIBO, AKLAN – Pansamantalang nakalaya ang isang lalaki matapos ibasura ng Aklan Provincial Prosecutor Office ang kasong vote-buying na isinampa laban sa kanya dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Ito ay kinumpirma ni Police Captain Jayson Mausig, hepe ng Madalag Municipal Police Station. Ayon dito binigyan sila ng piskal ng pagkakataon na mangalap pa ng karagdagang ebidensiya para sa muling pagsasampa ng kaso sa pamamagitan ng regular filing.

Matatandaan noong May 12, 2025 ay sinampahan ng kasong paglabag sa Sec 26 ng Comelec Resolution No 11104 si Alyas Romeo, residente ng Barangay Logohon, Madalag, Aklan matapos na maharang sa isang checkpoint bandang 9:15 ng gabi noong bisperas ng eleksiyon habang sakay ng kanyang motorsiklo.

Nakuha dito ang listahan ng mga coordinators at leaders kasama na ang mga sobre na naglalaman ng may kabuuang halagang 21,900 sa iba’t ibang denominations, sample ballots, at mga campaign materials

Back To Top