Binawian ng buhay ang isang Pinoy Mountaineer sa Camp IV ng Mount Everest habang naghahanda ng marating ang tuktok ng pinakamataas na bundok sa boung mundo.
Ang mounteneer ay si Eng. Philip Santiago II, 45 taong gulang at miyembro ng Mountaineering Association of Krishnanagar – Snowy Everest Expedition 2025.
Samantala, kinumpirma naman ng pamilya ni Santiago ang malungkot na balita at kaagad itong umapela na bigyan sila ng Privacy sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.
Bago ang insedente ay nakapagbahagi pa ito ng mensahe sa kanyang social media account kung saan ay ibinalita nito na nasa huling yugto na sila ng pag-alyat sa Mt. Everest.
Sa kasalukuyan ay hindi pa tiyak ang nating sanhi ng kamatayan nito subalit gumagawa na ng paraan ang kaniyang team members para maibaba at madala sa base camp ang labi ni Santiago.
Ayon sa Department of Tourism ng Nepal ito ang umang naitalang pagkamatay ng isang dayuhang climber sa Mt. Everest para sa kasalukuyang climbing season. Nauna nang naiulat na dalawang Sherpa Support Staff ang namatay matapos dapuan ng sakit sa base camp at isinugod sa HAMS Hospital.
Ang Camp IV ay matatagpuan sa “Death Zone” ng Everest, isang delikadong bahagi ng bundok na may manipis na oxygen at matinding lamig, dahilan kung bakit lubhang mapanganib ang bawat hakbang pataas ng summit.