Posibleng magpatupad ng Code White Alert ang Department of Health Central Office para sa nalalapit na halalan sa Mayo 12.
Ito ay idedeklara sa simula sa araw ng Linggo, May 11 at magtatagal hanggang May 14, 2025.
Ang Code White ay dinideklara upang matiyak ang kahandaan ng mga health facilities at personnel na reresponde sa anumang potensiyal na health emergencies bago sa kasagsagan at pagkatapos ng araw ng halalan.
Tumutukoy ang Code White Alerts sa kahandaan ng mga ospital partikular na ng general at orthopedic surgeons, internists, operating room nurses, opthalmologists, at otorhinolaryngologists, para tumugon sa mga emergency situation.
Dito ay kailangang on-call status ang lahat ng mga empleyado ng hospital lalo na ang emergenct service, nursing at administrative Personnel para sa agarang mobilization.