Isang magandang balita ang aasahan ng mga motorista sa susunod na linggo dahil sa muling bawas presyo ng gasolina ang ipapatupad ng mga gasoline station sa bansa.
Ito ay base na rin sa pagtaya ng Department of Energy (DOW) na maglalaro sa 1.00 hanggang 1.35 na bawas sa kada litro ng diesel.
Aabot naman sa 1.30 hanggang 1.45 na bawas kada litro sa kerosene samantalang magkakaron ng 0.30 hanggang 0.75 na bawas kada litro ng gasolina.
Ayon sa DOE isa sa dahilan ng pagkaltas ng presyo ng gasolina ay ang desisyon ng Organziation of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na dagdagan ang produksiyon sa langis sa buwan ng Hunyo.
Kasama rin ang hindi pa tiyak na resulta sa trade talks sa pagitan ng US at China.
Sa araw ng Lunes malalaman kung magkano ang bawas presyo kung saan kadalasan itong ipinapatupad sa araw ng Martes.