Pitong Sasakyang 4X4 Triton Carrier PNP Vehicles pormal ng tinurn-over ng AKO BICOL Partylist sa kapulisan ng Camarines Norte

Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr. – Sa isang seremonya ay binasbasan at ipinamahagi na sa piling mga police stations ang pitong yunit na 4×4 Triton Carrier PNP Vehicles na mula sa congressional insertion ng Ako Bicol Partylist sa pangunguna ni Cong Elizaldy Co, isinagawa ang aktibidad nitong Mayo 7, 2025, bandang alas-2:00 ng hapon.

Pinangunahan ni PCOL ROQUE A BAUSA, Deputy Regional Director for Operations ng Police, PRO5 at kasalukuyang Officer-In-Charge ng Camarines Norte Police Provincial Office, ang isang Foyer Honors para kay Hon. Elizaldy S. Co, kinatawan ng AKO BIKOL Party-list, bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita ng naturang aktibidad. Kabilang din sa mga dumalo at nagbigay-suporta sa programa sina PBGEN ANDRE PEREZ DIZON, PRO5 Regional Director, at PBGEN RONALD V GAYO, PRO5 Deputy Regional Director for Administration.

Pinangunahan ni Rev Father Omar Oco. ang pagbabasbas sa mga bagong sasakyan bilang tanda ng pasasalamat at paghingi ng gabay sa ligtas at epektibong paggamit nito sa pagseserbisyo sa bayan.

Sinundan ito ng ceremonial turn-over ng mga susi, na pinangunahan ni Hon. Elizaldy S. Co, katuwang sina PBGEN DIZON , PBGEN GAYO at PCOL BAUSA na kung saan ipinagkaloob sa istasyon ng pulisya sa Basud, Capalonga, Daet, Jose Panganiban, Labo, Paracale, at Sta. Elena.

Layunin ng programang ito na palakasin ang kapasidad at kakayahan ng mga istasyon sa pagpapatrolya, mabilisang pagresponde, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Back To Top