Umapela ang Department of Education sa mga magulang at stakeholders na palakasin ang literacy at nutrisyon upang labanan ang kawalan ng kakayahang bumasa at sumulat.
Ayon pa dito mahalaga ang suporta ng mga magulang at komunidad sa pagkatuto ng mga bata kaya’t inilunsad ng Deped ang mga programang tulad ng Bawat Bata Makakabasa (BBMP) at School-Based Feeding Program (SBFP)
Binigyang diin ng Pangulong Marcos ang papel ng isang magulang sa pagbasa sa kanilang mga anak na siyang mahalagang hakbang sa edukasyon.
Sa kaugnay na balita ay isinulong naman sa Cebu ang “Alimbukad: Basa Pamilya” upang hikayatin ang pagbabasa sa tahanan habang ang boung bansa ay pinapalakas ang programa upang masigurong may sapat na nutrisyon ang mga mag-aaral.
Ang programang ito ng gobyerno ay magiging maayos kung magtutulungan ang bawat sektor upang maging inklusibo at mas matibay ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.