Ilang oras bago ang nakatakdang libing kay Pope Francis ay nagpatupad ng paghihigpit ang Vatican at tuluyan ng pinahinto ang public viewing pagsapit alas siyete ng gabi.
Sa kabila ng maraming nakapila ay humingi na lamang sila ng paumanhin dahil kailangang palabasin ang lahat ng taon bilang paghahanda sa seremonyang kanilang isasagawa bago ang oras ng paglilibing.
Matapos ang public viewing ng alas siyete ng gabi sa Vatican ay sinundan ito nag seremonyas ng Sealing of the Coffin dakung alas otso ng gabi na pinangunahan ni Cardinal Camerlengo Kevin Farrel.
Sa kasalukuyan ay hindi pa inilalabas ng Vatican kung sino sinong mataas na opisyales ng mga bansa ang dadalo subalit sa balitang ating nakalap ay nasa listahan si US President Donald Trump habang si Pangulong Ferdinand Marcos at First Lady Liza Marcos ay dumating na sa Vatican para dumalo sa libing ng namayapang 88-anyos na santo papa.
Nagpahayag din ng pagdalo ang mga dating lider ng bansa gawa ni dating US President Joe Biden
Dakung alas 10 ng umaga oras ng Vatican ay pasisimulan ang seremonyas at sa harapan mauupo ang pangulo ng Argentina, ang bansa kung saan ipinanganak ang Santo Papa na susundan ng Italy at miyembro ng royal households at mga pangulo na nakaayos sa French Alphabetical order.
Ilang oras bago simulan ang gagawing misa ay ilalabas na ng Vatican ang kabuuang listahan ng mga world leaders na dadalo.