Naitala ng Philippine National Police (PNP) ang 28 kaso ng aksidente, kabilang na rito ang pagkalunod, sunog at aksidente sa kalsada mula ng magsimula ang pagdiriwang ng semana santa nitong taong 2025.
Ayon pa dito, umaabot sa 16 ang naitalang kaso ng pagkalunod sa iba’t ibang rehiyon habang mayroong dalawang aksidente sa kalsada ng Metro Manila at Cagayan Valley. Umaabot naman sa tatlong insedente ang naitala sa Metro Manila, Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula at mayron namang isang kaso ng arson sa bahagi ng Negros Island Region.
Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pananatili ng payapang pagobserba ng Semana Santa 2025.
Kaugnay nito ay nagpakalat naman ang pamunuan ng PNP ng mga kapulisan sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga simbahan, pangunahing kalsada, mga terminal at iba pang pampublikong lugar.