Inaasahang dumagsa ang mga pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayon paparating ang Semana Santa. Sa pagtaya ng PITX ay aabout sa 2.5 milyong pasahero ang dumating mula sa lunes hanggang sa araw ng biyernes.
Ayon kay Jason Salvador, Coorporate Affair Head ng PITX ang long weekend na ganito ang kadalasang sinasamantala ng mga pasahero upang magkaroon ng pagkakataon na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay at makapamasyal na rin.
Ang Semana Santa ay isa rin sa ginagawang oras o panahon upang magkaroon ng pagkakatipon-tipon ang mga magkakaibigan o kya magkaroon ng reunion ng bawat pamilya o di kya naman ang Alumni Homecoming sa mga paaralan.
Sa kasalukuyan ay fully booked ang biyaheng patungo ng Bicol ngunit tiniyak naman nitong may mga naka-standby units at may mga tauhan sila kung sakaling mangailangan pa ng karagdagang mga bus units,
Maliban sa Bicol ay fully booked na rin ang biyahe patungong Visayas at Mindanao.