Mga lokal at dayuhang turista pinag-iingat ng DOT sa mga fly-by-night resorts

Nanawagan ang Department of Tourism (DOT) sa mga turistang lokal o dayuhan na suriing mabuti kung DOT Accredited ang mga hotel at resort na kanilang tutuluyan upang masiguro nito ang kanilang kaligtasan at siguridad.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, inaasahan ang bilang pagtaas ng booking sa mga hotel at resort dahil sa papalapit na Semana Santa na posibleng samantalahin ng mga fly-by-night na mga resort.

Kasabay nito ay pinag-iingat din ng DOT ang publiko sa mga pekeng online booking na dapat surriing mabuti ang transaksiyon para hindi sila mabiktima nito

Pinag-iingat din ng kalihim ang publiko ukol sa mga pekeng online booking na dapat suriing mabuti ang ka-transaksyon para hindi mabiktima ang mga ito.

Tiwala ang kalihim na tataas ang bilang ng mga turista na magtutungo sa iba’t-ibang resorts at sikat na beaches ngayong panahon ng tag-init.

Back To Top