Arestado ng kapulisan ang tatlong estudyante matapos umanong pilahan nito at gahasain ang isang kapwa estudyante sa Port Area, Maynila nitong araw ng Lunes, April 7, 2025.
Ang mga suspect ay pawang Grade 12 students na schoolmate umano ng 16-anyos na biktima ng naturang panggagahasa.
Ayon sa kapulisan naganap ang insidente ng panghahalay noong madaling araw ng Abril 7 sa bahay ng isa sa mga suspect sa bahagi ng Baseco Compound matapos silang magkayayaan na maginuman dakung alas 11 ng gabi ng April 6, 2025.
Pagsapit ng alas-2 ng madaling araw nalasing ang biktima at nakatulog na sinamantala naman ng mga kasamahan nitong lalaki. Nagising na lamang umano ang biktima nang maramdamang may humahalik sa kanya.
Ayon sa biktima, siya ay nanlaban subalit wala siyang lakas upang labanan ang tatlong binatilyo at matagumpay ang masama nilang hangarin.
Matapos ang panghahalay at nakatulog ang mga suspect ay sinamantala umano nito na makatakas at kaagad nagtungo sa bahay ng kaibigan at doon na siya nagtunton ng ina at isinumbong ang pangyayari na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspect.