Sorsogon – Arestado ang Top 10 Most Wanted Persons (PMWP) ng Matnog Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang operasyon nito noong ika-6 ng Abril, 2025 dakung 3:10 ng hapon.
Ang suspek ay 53 taong gulang, may asawa at isang mangigisda ay naaresto mismo sa kanilang bahay sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 55 noong Enero 21, 2025 na may kasong 2 counts of Rape o paglabag sa Republic Act of 8353.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pangangalaga ng Matnog Municial Police Station habang inihahanda ang mga nararapat na dokumento.
Source: Sorsogon PPO