Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang paratang sa kanya na pinagbibitiw umano niya sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay VP Sara wala umano siyang sinasabing magbitiw ito sa puwesto dahil itonay panawagan ng kanilang mga supporters dahil umano sa galit ng mga ito matapos itong padala sa The Hague Netherland upang litisin ng International Criminal Court o ICC.

Ayon pa dito ay tinanong lamang niya ang kanilang supporter kkung ano ang panawagan nila sa Pangulong Marcos at isinigaw nila na magbitiw ito sa puwesto.

Ang pahayag na ito ay nangyari sa ginawang pagtitipon ng mga supporters sa the Hague kung saan nasa kustudiya ng ICC ang dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong Crime Against Humanity.

Sa panayam kay Presidential Communication Office Undersecretary Claire Castro una na umanong makikinabang ang bise presidente kung sakaling magbitaw ang pangulo ng bansa kasunod nito ang pasaring na kung saan ang isang opisyal na maraming tinatago ng walang dokumente partikular sa pundo ay hindi maaring maging lider ng bansa.

Back To Top