Ikakasa ng grupo ng transport sector ang kanilang 3 araw na tigil pasada sa darating na lunes hanggang miyerkules mula March 25 – 27, 2025. Dahil dito posibleng maparalisa ang transportasyon na maaring magdulot ng abala sa ilang mga pasahero.
Listahan ng paaralan / Unibersidad na nagsuspende ng klase
Metro Manila
- Colegio de San Juan de Letran – synchronous online classes sa lahat ng antas
- Far Eastern University Alabang – synchronous online classes sa lahat ng antas
- University of Santo Tomas – synchronous online classes sa lahat ng antas
- Adamson University – synchronous online classes sa lahat ng antas
- Pamantasan ng Lungsod ng Maynila – synchronous online classes sa lahat ng antas
- De La Salle University – synchronous online classes sa lahat ng antas
- Mapua University – synchronous online classes sa senior high school
- Polytechnic University of the Philippines – synchronous online classes for all levels
- Philippine Normal University – synchronous online classes for all levels
- Manuel L. Quezon University – online classes from March 24 to 26 in all levels
Luzon
- Malolos City – suspension sa face to face classes shift sa asynchronous or online classes sa lahat ng antas
- University of Perpetual Help System Laguna – online classes sa lahat ng antas
- Centro Escolar University Manila, Makati, and Malolos – synchronous and asynchronous online classes, midterm examinations rescheduled for March 26 to 29
Abangan natin ang ilang mga paaralan, lungsod or kaya naman munisipalidad at probinsiya ang maaring magsuspende ng klase dahil sa nasabing transport strike.
Narito naman ang listahan ng ilang munisipalidad, lungsod na nagsuspende ng kanilang klase
- San Andres, Romblon – sa lahat ng level upang bigyang daan ang pagdiriwang ng 105 Founding Anniversary at kapistahan sa kanilang lugar sa bisa ng SB Resolution no. 24 s.2025
- Tabaco, Albay – sa bisa ng Proclamation no. 804 ay itinalagang non-working holiday upang bigyang daan ang 24th Cityhood ng kanilang lugar.
I-refresh ang page para sa kaukulang update.