Pilipino posibleng magkawatak-watak dahil sa mga kumakalat na Fake News

Posibleng magkawatak-watak ang mga Pilipino dahil sa lumalalang pagkalat ng mga fake news, online disinformation at misinformation.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Communication Office (PCO) Secretary Jay Ruiz sa pagharap nito sa ikatlong pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa mga malisyoso at fake online content.

Gayunpaman, pinasalamatan ng kalihim ang naging hakbang ng Tri-Comm sa pag-imbestiga sa fake news at tiniyak na suporta ng PCO, Department of Justice at Department of Information and Communication Technology (DICT) upang labanan at sugpuin ito.

Ayon pa dito, ang pagsugpo sa mapanlinlang na nilalaman ng internet ay isang mahalagang laban na dapat harapin ng boung bansa.

Back To Top