Ina nag-amok matapos mabully ang kanyang anak

Viral ngayon sa social media ang nangyaring pag-aamok ng isang magulang sa bahagi ng Negros Oriental na kung saan ay bigla umano itong sumugod sa kuwarto ng kaklase ng kanyang anak na may dalang itak.

Ayon sa imbestigasyon, nagalit umano ang ina ng biktima matapos magsumbong na palagi itong binubully sa loob ng paaralan kaya kaagad itong sumugod sa paaralan upang harapin ang nambubully sa kanyang anak.

Sa kabila ng pagpapakalma ng guro sa naturang ina ay hindi pa rin ito nagpaawat at kaagad namang naisarado ng mga mag-aaral ang pinto upang hindi ito makapasok.

Back To Top