Walang Pasok | March 21, 2025

Ilang lugar sa bansa ang nagsuspende ng kanilang klase upang bigyang daan ang mahalagang okasyon o pangyayari sa kanilang lugar.

  • Trese Martirez, Cavite – sa bisa ng City Executive Order no. 007 s. 2025, suspendido ang klase sa lahat ng antas upang mapangalagaan ang kaligtasan sa mga mag-aaral dahil sa posibleng traffic dahil sa political campaign rally na isasagawa sa naturang lungsod
  • Calapan, Oriental Mindoro – sa bisa ng Proclamation no. 283 na nagtatalaga ng Non-Working Holiday sa lugar upang bigyang daan ang pagdiriwang ng 27th founding anniversary.
  • Lingayen, Pangasinan – suspendido ang klase upang bigyang daan ang pagdiriwang ng Bagoong Festival sa bisa ng Executive no. 007 s.2025 na nilagdaan ni Mayor Leopoldo Bataoil
  • Alcantara, Romblon – 84th Founding Anniversary
  • Pagsanjan, Laguna – Bangkero Festival

Narito rin ang listahan ng mga paaralan na nagsuspendi ng pasok ng kanilang klase.

  • Dominic Institute of Science and Technology – Upang bigyang daan ang pagdiriwang at pakikiisa sa interbranch competition ngayong academic year 2024-2025.
  • Valencia National High School

Sa kasalukuyan tuloy pa rin ang suspension ng klase sa Mondaca, Tarlac upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral dahil sa mataas na heat index sa lugar.

Ilang probinsiya naman ang nagsuspende ng kanilang klase dahil sa malakas na buhos ng ulan na umabot na sa Orange Rainfall Category

  • Samar Province

I-refresh ang page na ito para sa karagdagang updates.

Back To Top