Walang Pasok | March 18, 2025

Walang pasok sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) bukas, March 18, 2025 upang gunitain ang Day of Shuhada. Ito ay ayon na rin sa Proclamation no. 0006, s. 2024 na inilabas ng Office of the Chief Minister and Bangsamoro Act )BAA) no. 39 na kung saan idenedeklarang Regular Non-working holiday ang BARMM upang bgyang daan ang paggunita ng naturang okasyon.

Ang Shuhada ay nangangahulugang Martyrs sa Arabic na kung saan nagpapahiwatig ng kahalagahan ng araw at pagbibigay pugay sa kanilang fallen and past mujahideen – ang isang matapang na Moro na nakipaglaban

Sinasabing ang araw na ito ay sumasalamin sa kahalagahan ng mga magigiting na mga Moro na nakipaglaban sa mga mapang-aping Lipunan para maipagtanggol ang pagkakakilanlan o identity ng mga Moro, kanilang kultura, at sariling pananampalataya.

Maituturing na dalawang mahalagang okasyon ang ipagdiriwang sa araw na ito. Una na rito ang Dansalan Declaration (march 18, 1935) – Isang pormal na paggigiit ng karapatan ng mamamayang Moro sa sariling pagpapasya. At makalipas ang 33 taon, ang Jabidah Massacre (Marso 18, 1968) – Isang kalunos-lunos na pangyayari na naging dahilan ng pakikibaka ng Bangsamoro. Ang mga makasaysayang sandali ay may mahalagang papel sa pagbuo ng Bangsamoro Government na mayroon tayo ngayon.

Back To Top