“Bring Him Home” , ito ang naging battle cry ng mga supporter ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na isinagawa sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Manila.
Ayon sa Philippine National Police Manila Police District tinatayang 2,000 katao ang dumalo sa naturang kilos protesta.
Ang mga ito ay nakasuot ng kulay green at pula at may dalang maliit na watawat at mga karatulang may nakasulat na mga pagtuligsa kay Pangulong Bongbong Marcos.
Dakong alas-3 ng hapon ng magsidatingan ang mga suporter nito ay pinasumulan ng isang maiklong programa na binuksan sa pamamagitan ng live performance na tumagal ng halos isang oras.
Sinundan ito ng talumpati ng ilang naimbitahang mga personalidad kasunod naman ng naturang programa ang vigil at interfaith prayer na ginanap mismo sa Liwasang Bonifacio.