Dating Pangulong Rodrigo Duterte hindi nakadalo ng personal sa ICC Hearing, Video link pinahintulutan

Hindi nakadalo ng personal ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa unang araw ng kanyang hearing sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands bagkus ay pinahintulutan ito ng korte na gumamit ng video link sa paglilitis.

Sa tatlumpung minutong pagdinig ay inihain ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea ang mosyon na kung saan iurong ang pagdinig sa kaso upang mabigyan sila ng oras para ipaliwanag sa dating pangulo ang mga proseso ng pagdinig subalit ito ay ibinasura ng ICC dahil ito umano ay confirmation hearing.

Ayon pa kay Medialdea na hindi umano makatarungan ang naging pag-aresto ng ICC sa dating pangulo.

Matapos ang sesyon ay muling itinakda ng ICC ang pagdinig sa darating na September 23, 2025 upang makapaghandang mabuti ang depensa ng dating pangulo.

Back To Top